Bilang Isang Blogger

Bilang Isang Blogger

1. Nauunawaan ko na karapatan ko ang sumulat ng tula, kahit pa ang mga salita nito ay di magtugma, kahit na mababaw, kahit na hindi pang elitista o pangmasa.

2. Nauunawaan ko na karapatan kong ang sumulat ng kwento, ibahagi ang aking lungkot, duda, saya at minsan maging ang kawalan ng pag-asa.

3. Nauunawaan ko na karapatan kong isiwalat ang aking opinyon tungkol sa politika, simbahan, pamayanan o kahit pa tungkol sa aking pang maliit na lipunang ginagalawan.

4. Nauunawaan ko na karapatan kong ilabas ang aking inis, asar, yamot, galit, muhi sa aking nanay, tatay, kamag-anak, kabitbahay, at maging sa aking sarili.

5. Nauunawaan ko na karapatan kong kumbinsihin at paniwalain ang iba ayon sa aking idelohiya.

6. Nauunawaan ko na karapatan kong magtanong sa bagay bagay na makaaapekto sa akin, sa aking kaibigan, kapamilya o kababayan.

7. Nauunawaan ko na karapatan kong ikumpara ang dalawa o higit pang prinsipyo, bagay, lunan, o personalidad.

8. Nauunawaan ko na karapatan ko ang magsiwalat ng mga larawang nagpapahayag ng aking damdamin o katayuan sa buhay.

9. Nauunawaan ko na karapatan kong itago ang aking tunay na pangalan o kahit ano pang pagkakakilanlan.

10. Nauunawaan ko na karapatan kong ibahagi ang aking paniniwala o kawalan ng paniniwala sa diyos o mga diyos.

11. Nauunawaan ko, na bukod sa mga nabanggit at marami pa akong maaring gawin bilang isang blogger.

12. Nauunawaan ko na karapatan ko ang maging malaya sa pakikialam ng kahit sino man.

Ang pagiging blogger ay aking karapatan.
Karapatan ko ang maging malaya sa pagpapahayag.

Ako ay isang blogger.
At nauunawaan ko ang lahat ng ito.

Bilang isang blogger din, ibinibigay ko sa iyo ang karapatan na kopyahin ang listahang ito para ilagay sa blog mo sa kasunduang bibigyan mo ako ng karampatang pagkilala.

Hiling ko lang sana ay maalala mo, kung sino ang nagpaalala sa iyo ng mga karapatan mong ito!

Oh, para hindi matakaw sa space, pwede mo na lang itong i cut-and-paste:

<br>Bilang Isang Blogger <br>
<a href=”http://pinoybloggers.wordpress.com/”>Kailangan mong malaman ang iyong mga karapatan!</a></p>

Ganito ang kalalabasan nyan

Bilang isang blogger, kailangan mong malaman ang iyong mga karapatan!

numly esn 25514-070203-172280-96

© 2007 All Rights Reserved.

~ ni Chico sa Enero 21, 2007.

13 Tugon to “Bilang Isang Blogger”

  1. nauunawaan ko ang lahat ng ito.

  2. good for you jonell, sana mag link ka rin!

  3. EXTRA: minsan ang karapatan, walang puwang sa mga may kapangyarihan. kailangang marunong mandaya, kahit mahirap at maging katumbas nito ang iyong buhay

    (ako rin mag li link sayo.)

  4. ayon. yun yun eh… pero minsan may mga bagay na hindi pwdeng isiwalat…………

  5. [...] Bilang Isang Blogger « Bilang Isang Blogger [...]

  6. [...] Isa akong atheist pero mayroong respeto sa paniniwala ng iba. Marahil dahil ito sa pagiging advocate ko sa Freedom of Speech. [...]

  7. No. 3 >> Hindi lahat ng opinyon ay maaring ilathala sa blog. Kinakailangan ng tama at balanseng paglalahad ng mga bagay. Lalo na kung pinangungunahan ka lamang ng galit o inis. Maari ka rin kasuhan ng libel ng tao o pulitong iyong pinatatamaan.

    no. 12 >> May pakialam sayo ang iyong mga mambabasa. Kung ayaw mong pakialaman ka, gawin mong “private” ang isang post. Possible ito sa wordpress.

  8. Rob, may difference ang opinion sa accusation or allegation. At about the private and public blog, nasa option pa rin ito ng blog owner.

    At ang ibig kong sabihin sa pakikialam, ay yung gustong sabihin ng writer, kahit ano pa ang reaksyon ng readers

  9. [...] Read it then. [...]

  10. cge nga pakopya nito at mailagay bilang isa sa mga entry ko today :)

  11. [...] Read it here. [...]

  12. Ngayon lang ako napadpad dito. Will spread the word! :)

  13. huwaw naman.. ang laki ng difference ah hehehe… congrats sa uno!

Mag-iwan ng Tugon